Font Size
Baruc 1:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Baruc 1:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Panalangin ng Pagsisisi sa Kasalanan
15 Ganito ang sabihin ninyo: “Matuwid ang Panginoon naming Diyos. Ngunit lubog pa rin kami sa kahihiyan hanggang ngayon—kaming mga taga-Juda, mga mamamayan ng Jerusalem, 16 pati ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta at mga ninuno— 17 sapagkat nagkasala kami sa Panginoon.
Read full chapter