Isaias 13:10
Ang Biblia, 2001
10 Sapagkat(A) ang mga bituin ng langit at ang mga buntala nito,
ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag;
ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat,
at hindi ibibigay ng buwan ang kanyang liwanag.
Ezekiel 32:7
Ang Biblia, 2001
7 Kapag(A) ikaw ay aking inalis, aking tatakpan ang langit,
at padidilimin ko ang kanilang mga bituin;
aking tatakpan ng ulap ang araw,
at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag.
Joel 2:31
Ang Biblia, 2001
31 Ang(A) araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon.
Read full chapter
Apocalipsis 6:12-13
Ang Biblia, 2001
12 Nang(A) buksan niya ang ikaanim na tatak, nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng damit-sako at ang bilog na buwan ay naging gaya ng dugo;
13 at(B) ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na nalalaglag ang kanyang mga bungang bubot kapag inuuga ng malakas na hangin.
Read full chapter